Mandaluyong LGU, magsasagawa ng pre-registration para COVID-19 vaccine

67

Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong na nagtalaga na sila ng mga tauhan upang magsagawa ng pre-registration para sa nais magpabakuna kontra COVID-19.

Batay sa abiso sa kanilang Facebok page, magbabahay-bahay ang nasabing mga tauhan ng pamahalaang lungsod para alamin kung sino ang nais magpabakuna.


Maglalagay rin sila ng online pre-registration sa susunod na mga araw kung saan pinayuhan ang mga residente nitong abangan ang update ukol dito sa kanilang official Facebook page.

Sa ngayon, umabot na sa 6,043 ang kabuuang bilang ng kumprimadong kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong.

5,743 rito ay nakarekober na, 177 ang namatay at 123 ang active cases.

Facebook Comments