Mandaluyong, may tatlong bagong nasawi na dulot ng COVID-19

26

Ikinalungkot ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong matapos matanggap ang bago data report ng City Health Department nito kaugnay sa kaso ng COVID-19.

Batay kasi sa nakaling datos na nakalap, mayroong tatlong pasyente na positibo ng COVID-19 ang pumanaw kahapon.


Ang mga nasawing pasyente ay mula sa Barangay Addition Hills, Barangay Barangka Ibaba, at Barangay Malamig.

Dahil dito, umakyat ang kabuoang bilang ng nasawi sa lungsod na bunsod ng virus sa 187.

Ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ay pumalo na sa 6,261, kung saan 5,970 nito ay mga gumaling na sa naturang sakit, at 104 naman ang active cases.

Facebook Comments