Mandaluyong PESO, magsasagawa ng local recruitment activity ngayong araw

17

Mayroong daily local recruitment activity ngayong Lunes ang Public Employment Service Office (PESO) Mandaluyong City.

Magsasagawa ng in-house job interview ang kompanyang Academy of Operation Excellence and Services Inc.


Magsadya lamang sa Social Action Center Building City Hall Annex Sta. Elena, Marikina City mula 8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.

Narito ang mga bakanteng trabaho na pwede ninyong aplayan:

  • Sales clerk
  • Delivery helper
  • Delivery driver
  • Motorcycle driver
  • Accounting staff
  • Data encoder
  • Promo salesperson

Sa pamamagitan naman ng PESO Makati City nangangailangan ng Special Program for the Employment of Students (SPES) ang Tokyo Tokyo at Jollibee.

Bukas ito sa lahat ng high school student at out of school youth na pawang residente lamang ng Makati at hindi pa nakakapag-SPES ngayong taon.

Magdala ng dalawang kopya ng resume mamayang alas-9:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali sa PESO Makati office 5th floor Makati City Hall Bldg I, JP Rizal, Makati City.

Kung kayo ay interesado maaari din kayong tumawag sa Radyo Trabaho hotline 882-2370/ RT textline 0967-372-9014 o magpadala ng inyong updated resume sa aming email address na: radyotrabaho@gmail.com.

Pwede din magsadya sa aming tanggapan dito sa 4th floor DZXL Radyo Trabaho Center, Guadalupe Nuevo, Makati City.

Para sa karagdagang impormasyon at iba pang job openings maaring bisitahin ang aming website: rmn.ph at Facebook page: RMN DZXL 558 Manila.

Facebook Comments

From Advertisers