Mandatory repatriation ng mga Pinoy sa Israel at Iran, hindi pa kailangan —PBBM

Hindi pa ipag-uutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mandatory repatriation para sa mga Pilipino sa Israel at Iran.

Sa gitna ito ng nagpapatuloy na tensyon ng dalawang bansa sa Middle East.

Ayon kay Pangulong Marcos, ipina-uubaya nila sa mga Pilipino roon ang pagdidesisyon kung uuwi sila sa Pilipinas.

Dagdag pa ng pangulo, nakausap nila ang ilang mga Pilipino sa lugar at ang iba ay nais na manatiili habang mayroon namang nagsabing gusto na nilang umuwi.

Nakahanda naman aniya ang pamahalaan na umalalay lalo’t patuloy nilang tinututukan ang sitwasyon sa rehiyon.

Pero aminado ang pangulo, na magiging hamon sa kanila ngayon ang paghahanap ng ibang ruta pabalik sa Pilipinas dahil maraming paliparan ang sarado dahil sa nagpapatuloy na tensyon.

Facebook Comments