Mandurukot, arestado sa Quezon City

197

Quezon City – Sa kulungan ang bagsak ng isang mandurukot matapos mabuking habang ninanakawan ang isang pasahero ng LRT line 2 sa Quezon City.

Nakilala ang suspek na Rey Manlapas 44 na nakatira sa San Juan City.

Siksikan ang sa loob ng tren na sinamantala ng suspek sabay dukot sa bulsa ng biktima na si Gerald Acquin kung saan target nito ang cellphone phone.


Gayunman sumablay ang magnanakaw kaya naramdaman ito ng biktima.

Itinanggi pa ng suspek ang pagnanakaw at sa pagtatalo nakuha nito ang atensyon ng mga tauhan ng QCPD.

Kinapkapan si Manlapas at nabawi ang cellphone phone na dinukot sa bulsa ni Acquin.



Sa ngayon nakakulong na ang suspek at inihahanda na ang kasong isasampa kay Manlapas.

Facebook Comments