MANGINGISDA SA APAT NA BAYAN SA PANGASINAN, NAKATANGGAP NG FUEL SUBSIDY CARDS

13
Nabigyan ng fuel subsidy cards ang mga mangingisda sa apat na bayan ng Pangasinan sa ilalim ng programa ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na fuel subsidy program.
Ayon sa BFAR Region 1, ang mga mangingisdang benepisyaryo sa probinsya ay mula sa mga bayan ng Binmaley, Lingayen, Sual at Labrador.
Nasa 14 na bayan sa Pangasinan ang benepisyaryo ng naturang programa na layuning matulungan ang mga mangingisda dahil sa patuloy na pagsipa ng presyo ng gasolina.

Ang mga mangingisda na rehistrado sa FishR at BoatR registry systems ng BFAR, ang tumanggap ng discount cards na may lamang P3, 000 halaga ng gasoline kung saan ang lahat ng cards na ito ay tinatanggap sa lahat ng major gasoline stations. | ifmnews
Facebook Comments