MANHUNT OPERATION | Ina ng nakatakas na inmate sa MPD Station 9, inaresto ng pulisya

36

Manila, Philippines – Kasabay ng ikinakasang manhunt operation, inaresto na rin ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Station 9 ang ina ng nakatakas na inmate na si Armand Arroyo.

Ayon kay MPD Director Chief Superintendent Roland Anduyan, hinala nila ay tinulungan ni Ma. Teresa Arroyo ang kanyang anak na makatakas mula sa banyo ng Ospital ng Maynila.

Matatandaang dinala sa ospital si Armand matapos na dumaing ng paninikip ng dibdib at pagkahilo.

Inihahanda na ang reklamong obstruction of justice laban sa kanyang ina.

Sinampahan na rin ng kasong infidelity of public officers ang dalawang police escort ni Armand na sina PO1 Rolly Mendano at PO1 Kelvin Ramirez habang sinibak din si Deputy Station Commander Chief Inspector Romeo Salvador na siyang on-duty nang nakapuga ang preso.

Facebook Comments