Manila Baywalk Dolomite Beach, maagang binuksan sa publiko

Maagang binuksan sa publiko ang Manila Baywalk Dolomite Beach sa Roxas Blvd. sa lungsod ng Maynila.

Ito’y dahil sa inaasahang pagdagsa ng publiko matapos itong buksan noong Sabado.

Dapat sana ay alas-8:00 ng umaga magbubukas ang dolomite beach pero nagdesisyon na buksan na ito ng alas-5:30 ng umaga dahil mahaba na agad ang pila.


Dahil dito, maagang nakapasok ang mga nais bumisita partikular ang bawat pamilya kasama ang kani-kanilang mga anak.

At kahit pa hindi maganda ang lagay ng panahon patuloy sa pagdagsa ang mga nais maranasan ang white sand beach dito sa lungsod ng Maynila.

Hanggang alas-6:00 ng gabi mananatiling bukas ang dolomite beach mula Lunes hanggang Linggo pero paalala ng mga otoridad na hindi papayagan makapasok ang mga alagang hayop, bawal magdala ng pagkain at bottled water lamang ang maaaring dalhin sa loob.

Patuloy naman sa pag-iikot ang mga otoridad para ipaalala ang health protocols tulad ng physical distancing kasabay ng paglilinis na rin ng mga tauhan ng Manila Department of Public Sevice para mapanatili ang kalinisan.

Facebook Comments