Manila City Council nagpasa ng resolusyong idinedeklarang persona non grata ang militanteng grupong ‘Panday Sining

414

 

 

Ipinasa ng Manila City Council ngayong hapon lang ang resolusyong idinedeklarang person non grata sa buong lungsod ng Maynila ang militanteng grupong Panday ng Sining.


 

Iginigiit kasi ng grupo na ang kanila ginagawa ay hindi vandalism sa halip art na ipinapakita ang kanilang saloobin o hinaing sa gobyerno.

 

Una nang nainis si Manila Mayor Isko Moreno sa ilang ulit na ginawang pagsusulat o pagdudumi sa mga pader sa lungsod ng grupong Panday Sining pero tila hindi sya napapakinggan ng grupo.

 

Binantaan nito ang grupo mahaharap sa batas kaya naman kamakailan lang apat na miyembro ng panday sining ang naaresto.A

Facebook Comments