Manila City Government, may inihanda ng evacuation centers kaugnay sa paparating na Bagyong Rolly

46
COURTESY: MPIO

May inihanda na ang Manila City Government na posibleng evacuation site sa Rosauro Almario Elementary School sa Tondo, sakaling kailanganing ilikas ang mga residenteng lubusang maaapektuhan ng Bagyong Rolly.

Naglagay ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ng 50 mga partition tent sa naturang paaralan para mahimpilan ng mga pamilyang ililikas.


Kaugnay sa inaasahang pananalasa ng bagyo ay pangunahing tututukan ng MDRRMO ang sitwasyon sa Isla Puting Bato sa Tondo at Baseco sa Port Area Manila.

Facebook Comments