Manila City Government, tiniyak na walang mangyayaring lockdown sa lungsod ngayong holiday season

166

Nilinaw ng Manila City Government na wala itong planong magpatupad ng lockdown hanggang sa December 31, 2020.

Ginawa ni Mayor Isko Moreno ang paglilinaw matapos kumalat sa social media ang sinasabing lockdown na ipapatupad sa lungsod ngayong holiday season.


Gayunman, nagbabala si Moreno na kapag nagpabaya ang mga residente ng Maynila, mapipilitan siyang magpatupad ng lockdown.

Aminado rin ang alkalde na may mga pagkakataon na hindi siya makatulog sa gabi dahil nababahala siya sa posibleng pagkalat pa ng virus sa Maynila.

Facebook Comments