Manila Dolomite Beach, bubuksan muli sa publiko sa June 3, 2022

62

Ipinagpaliban ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang muling pagbubukas ng Manila Baywalk Dolomite Beach.

Sa halip na sa Biyernes, Mayo 20, isasagawa ang reopening nito sa Hunyo 3.

Ayon sa DENR, hindi pa kasi tapos ang ilang infrastructure sa lugar habang kailangan pa nilang magsagawa ng cleanup drive malapit sa US Embassy.


Nais din kasi ng ahensya na matiyak ang kalinisan at kaligtasan ng tubig sa Manila Bay bago ito buksan.

September 2020 nang unang buksan sa publiko ang Dolomite Beach.

Facebook Comments