Manila Fire Department, makikipagpulong sa pamunuan ng PGH kaugnay ng nangyaring sunog sa ospital

33

Nakatakdang makipagpulong ang Manila Fire Department (MFD) sa pamunuan ng Philippine General Hospital (PGH) kaugnay ng naganap na sunog sa nasabing ospital.

Nakatakda ring isumite ng MFD ang resulta ng imbestigasyon ng arson investigators sa Manila Local Government Unit (LGU).


Ayon kay PGH Medical Director Gerardo Legaspi, sa ngayon amoy sunog na plastics pa sa mga lugar, kaya hindi pa ito pinalalapitan sa mga tao.

Nasa mahigit 120 major operation sa PGH kada araw ang naapektuhan dahil sa naganap na sunog.

Facebook Comments