Manila LGU, aminadong galing sa Manila Zoo ang ilang dumi sa Manila Bay

Aminado si Manila Mayor “Isko” Moreno Domagoso na kabilang ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga may kasalanan sa pagdumi ng Manila Bay.

Tinukoy ni Moreno ang Manila Zoo na pinamamahalaan ng City Government na walang sariling Sewerage Treatment Plant (STP).

Bunga nito, diretso aniya sa dagat ang mga dumi mula sa Manila Zoo.


Muli ring nagpasalamat si Moreno sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa paglalagay ng mga pasilidad sa Maynila para malinis ang Manila Bay.

Kinumpirma naman ni Moreno na inilatag na sa kanya ng DENR ang mga planong gagawin nito sa paglalagay ng mga Sewerage Treatment Plant (STP) sa Manila Bay bilang bahagi ng rehabilitasyon dito.

Facebook Comments