Manila LGU, may panawagan sa mga magulang hinggil sa pangangaroling ng mga bata

Nanawagan ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga magulang na huwag na sanang payagan pa ang mga anak na mag-karoling ngayong nalalapit ang Kapaskuhan.

Sa pahayag ni Mayor Isko Moreno, bagama’t hindi niya ipinagbabawal ipinapaalala niya sa mga magulang na kasalukuyan pa rin nahaharap ang bansa sa pandemya dulot ng COVID-19.

Hinihikayat rin ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang iba pang magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak upang maging ligtas sa COVID-19.


Nagpapasalamat naman si Mayor Isko sa pamahalaan dahil pinakinggan ng mga ito ang kaniyang panawagan na huwag ng magsuot ng face shield.

Facebook Comments