Manila LGU, pinangunahan ang paggunita ng Battle of Manila

Binigyang pagkilala ng iba’t ibang institusyon ang tinaguriang Battle of Manila na naganap noong Pebrero 03 hanggang Marso 03, 1945.

Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang paggunita nito kasama ang iba’t ibang embahada kabilang ang US Embassy na pinarangalan ang sakripisyo para makamit ng Pilipinas ang kalayaan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Isinagawa ang wreath laying sa Adamson University kung saan binigyan din ng pagkilala ng Intramuros Administration ang Battle of Manila bilang bahagi ng kasaysayan na bumago at nagbigay hugis sa katatagan ng lungsod.


Itinuturing ang Battle of Manila na pinakamadugong urban warfare na sinuong ng mga Amerikano noong World War 2 kung saan maraming imprastraktura sa Kamaynilaan ang nawasak bunsod ng pambobomba.

Sinasabing tinatayang 2.5 milyon din ang nasawi kabilang ang mahigit 100,000 sibilyan kabilang ang mga babae at mga bata.

Facebook Comments