Manila LGU, tumanggap ng mga buto ng gulay at iba pang pananim sa DA para sa urban farming

33

Nagkaloob ang Department of Agriculture (DA) ng mga vegetable seeds at seedlings sa Manila Local Government Unit (LGU) matapos itong makipag-partner sa Urban Agriculture Program ng ahensiya.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, gagamitin ang naturang mga binhi sa urban farming sa Brgy. 128 Paradise Heights, Smokey Mountain sa Tondo.


Habang naka-lockdown ang mga tao sa mga barangay, mainam na may pagkaabalahan ang mga ito upang masiguro na may pagkukunan ng pagkain.

Hinimok din sila ng kalihim na maghanap ng lugar para pagtayuan ng poultry o pag-aalaga ng native chicken pati ng mga kambing.

Makakatulong din para sa kanila ang online education hinggil sa urban gardening na inisyatibo ng Agricultural Training Institute ng DA.

Facebook Comments