Manila Mayor Isko Moreno, lalahok sa Partidong Aksyon Demokratiko

Nakatakdang lumahok si Manila Mayor Isko Moreno sa Partidong Aksyon Demokratiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Pagkumpirma ni Ernest Ramel Jr., Secretary General ng Aksyon Demokratiko, nakatakdang magsagawa ng oath si Moreno sa harapan ni Atty. Robbie Pierre Roco na siyang anak ng founder ng partido na si Senator Raul Roco.

Una na ring umalis si Moreno sa dati nitong partido na National Unity Party.


Matatandaang nitong Hulyo inihayag ni Senate President Vicente Sotto III na kasalukuyang Executive Vice President ng Aksyon Demokratiko, ang pagkakaroon ng koalisyon ng partido sa Nationalist People’s Coalition.

Si Sotto ay una nang nagbalita ng pagtakbo nito sa pagkabise-presidente sa 2022 National Election, habang wala pang tiyak na posisyong tatakbuhan si Moreno sa kabila ng kagustuhan nitong kumandidato.

Facebook Comments