Manila Mayor Isko Moreno Moreno, umapelang bilisan ang pagproseso sa insurance claims sa mga biktima ng Bagyong Odette

Umaapela si presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno sa Insurance Commission na bilisan ang pagproseso sa insurance claims sa mga biktima ng Bagyong Odette.

Ayon kay Moreno, kailangan ang mabilisang aksyon ng Insurance Commission para agad na makabangon ang mga nasalanta ng bagyo, partikular ang mga pamilyang nasira ang tahanan at nawalan ng negosyo.

Binigyang-diin ng Aksyon Demokratiko Standard Bearer na hindi lang ang insurance ang dapat na mabilis kumilos kundi maging ang pamahalaan.


Ang Insurance Commission ay nasa ilalim ng administrative control ng Department of Finance.

Bukod dito, kinalampag ni Moreno ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) na agad na iproseso ang claims ng libo-libong magsasaka at mangingisda na nawalan ng kabuhayan.

Facebook Comments