Manila Mayor Isko Moreno, muling binista ang itinatayong COVID-19 field hospital sa Luneta

21

Muling binisita ni Manila Mayor Isko Moreno ang konstruskyon ng COVID-19 field hospital sa Burnham Green sa Luneta.

Ayon kay Mayor Isko, inaasahan niya na matatapos ang nasabing field hospital sa loob ng dalawang buwan tulad ng nasabi nito bago pa lamang simulan ang pagpapatayo nito.


Nabatid na target na matapos ang COVID-19 field hospital sa kalagitnaan o huling linggo ng Hunyo kung saan agad din itong bubuksan sakaling matapos na ang huling inspeksyon.

Ang nasabing hospital na mayroong 336 bed capacity, ang siyang magiging kwarto ng mga COVID-19 patient na may mild at moderate na kaso.

Nasa 140 na container vans ang naka-pwesto sa 4,402 square meter na lawak ng Burnham Green kung saan nasa 154 million pesos na pondo ang inilaan dito ng pamahalaang lungsod.

Umaasa ang alkalde na sa oras na matapos ang field hospital ay mapapaluwag nito ang mga bed capacity sa anim na district hospital sa lungsod ng Maynila.



Facebook Comments