Manila north, south harbor – ininspeksyon

29

Manila, Philippines – Pinangunahan ni National Capital Region Police Office Director Guillermo Eleazar ang pag-iinspeksyon sa Manila North at South Harbor.

Ito ay bilang bahagi ng ‘Ligtas Paskuhan 2018’ program ng Philippine National Police o PNP.


Partikular na inispeksyon ni Eleazar ang mga bagahe ng mga pasahero na pumapasok sa nasabing mga pantalan.

Inalam rin ni Eleazar ang inilatag na seguridad sa loob at labas ng pier.

Maliban rito, namahagi rin ang mga pulis ng mga bomb awareness flyers sa mga pasahero.

Facebook Comments

From Advertisers