Manila Police District, mahigpit na magbabantay sa mga alituntunin sa Pista ng Sto. Niño

59

Mahigpit na babantayan ng Manila Police District ang kaayusan at kapayapaan sa Maynila sa panahon ng Pista ng Sto. Niño.

Partikular na magpapatrolya ang pulisya sa Tondo kasabay ng pagpapairal ng liquor ban.

Ipagbabawal din ang pagtitipon-tipon o mass gathering upang maiwasan ang pagkalat ng COVID -19.


Pinaalalahanan din ng Manila Local Government Unit ang mga barangay captain na walang mga palaro sa panahon ng pista upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

Wala ring magaganap na pisikal na misa, kundi sa pamamagitan lamang ng online at wala ring prusisyon.

Facebook Comments