Manila Police District, naka-full alert na rin kasunod ng pagsabog sa Sulu

53

Inilagay na rin ng Manila Police District (MPD) sa full alert status ang kanilang buong pwersa matapos ang dalawang pagsabog sa Jolo, Sulu kahapon.

Ayon kay MPD Director Gen. Rolly Miranda, inatasan niya ang lahat ng station commanders na maglunsad ng random checkpoints sa itinuturing na strategic areas.


Bukod pa dito, ang pagpapa-igting sa intelligence monitoring at ang tinatawag na ‘target hardening.’

Tiniyak din ni Miranda ang mahigpit na pagpapatupad ng curfew sa buong Maynila mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling araw.

Facebook Comments