Manila Police District Traffic Enforcement Unit, nag-abiso sa publiko na isasara ang Roxas Boulevard para sa gaganaping fun run ng Bureau of Customs

149

Manila, Philippines – Nag-abiso na ang Manila Police District Traffic Enforcement Unit sa publiko na isasara ang Roxas Blvd. bukas sa bahagi ng Luneta sa Maynila para sa tinawag na Run after the Smugglers o fun run ng Bureau of Customs.

Ayon sa MPD, mula alas kwatro ng madaling araw sarado ang Southbound Lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo.

Ang mga sasakyang babaybay sa Southbound lane ay maaaring gamitin ang Taft Avenue patungo sa kanilang direksyon.


Wala namang magiging problema sa Northbound Lane sa Roxas Blvd.

Facebook Comments