Manila RTC Branch 51, ipinag-utos ang paglipat kay Teves sa Camp Bagong Diwa

Ipinalilipat na ng Manila Regional Ttial Court Branch 51 sa Camp Bagong Diwa Taguig City si dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr.

Kinumpirma ito ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teves kaugnay sa kasong pagpatay kay dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo at iba oa.

Gayunman, nais munang linawin ng kampo ni Teves kung aling utos ang susundin dahil sa naunang commitment order ng Manila RTC Branch 12 ay dadalhin ang dating kongresista sa Manila City Jail.

Ayon sa kampo ni Teves, kung susundin kasi ang memorandum ng Korte Suprema – ang unang commitment order ang dapat na masunod.

Matatandaan na una nang sinabi ni NBI Dir. Jaime Santiago na huwag munang alisin sa NBI Facility sa Muntiupa City si Teves dahil sa inaasahan nilang mga utos ng iba’t ibang korte kung saan may kaso ang kongresista.

Facebook Comments