Manila Water Pres. Jose Rene Almendras, nag-sorry kay PRRD

770

Humingi ng paumanhin si Manila Water President and CEO Jose Rene Almendras kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y matapos ikagalit ng Pangulo ang ruling ng Singapore Arbitration Court na nag-aatas sa Pilipinas na bayaran ang 7.3 Billion Pesos na danyos sa Manila Water.


Ayon kay Almendaras, ang galit ng Pangulo ang dahilan kung bakit hindi na nila itinulak ang paniningil ng danyos sa gobyerno.

Hindi nila hangad na galitin ang Pangulo at susunod sila sa anumang utos ng lider ng bansa.

Pero iginiit niya na wala silang kontrol sa inisyung desisyon ng Arbitral Tribunal ng Singapore.

Facebook Comments

From Advertisers