Manlalaro ng PBA bubble, nagpositibo sa COVID-19

103

Isang manlalaro ng PBA bubble ang nagpositibo sa COVID-19.

Kinumpirma mismo ito ng Philippine Basketball Association sa pamamagitan ng twitter kung saan naka-quote si testing czar Secretary Vince Dizon.


Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, naka-isolate na ang buong team ng Black Water at kanilang kalabang team.

Hindi naman pinangalanan kung sinong manlalaro ang nagpositibo sa COVID-19.

Samantala, nagnegatibo na sa COVID-19 ang referee na nagtatrabaho sa loob ng PBA bubble sa Pampanga na unang tinamaan ng virus at ikinonsidera bilang index case.

Facebook Comments