MANLOLOKO? | Thai Internet Sensation Mader Sitang, niloko raw ang Pilipinas?

733

Bukod sa blacklisted, ipinadedeklara rin ngayon bilang persona non grata sa bansa ang internet sensation na si Mader Sitang.

Ayon kay Mr. Gay World Philippines 2009 Wilbert Tolentino na binitawan na niya ang Thai internet sensation dahil sa panloloko.

Si Wilbert ang nagdala sa pilipinas at nagpakilala sa mga Pinoy kay Mader Sitang.

Say ni Wilbert, hindi totoong lawyer at hindi totoong nag-donate si Mader Sitang sa Yolanda.

Nadiskubre raw niya ang pagiging fake ni Mader Sitang nang magpunta ang grupo niya sa Thailand at makumpirma ito.

Nanghihingi daw ang Thai sensation ng pera at kinukuha ang passport niya kaya roon na siya nagtaka at ini-report ang insidente sa philippine embassy sa kung saan doon niya nakumpirma ang lahat.

Kaya naman masasabing na-fake news ni Mader Sitang ang buong Pilipinas.

Facebook Comments