Manny Pacquaio, inamin na apektado na ng edad ang kanyang pagboboxing

105

Manila, Philippines – Inamin ni eight time Division World Champion at Senator Manny Pacquiao na apektado na ng edad ang kanyang pagboboxing.

Ayon kay Pacquiao, kinakailangan na ng kanyang katawan ng matagal na pahinga matapos ang matinding training na ginagawa ng kanilang team.


Giniit ng boksingero, 100 percent na siyang naka-kondisyon at handang handa na siya makipagbakbakan kontra sa Australian challenger na si Jeff Horn sa Hulyo 2.

Samantala, patungo na ang Team Pacquaio ngayong araw sa Brisbane, Australia kung saan tatagal ang kanilang byahe ng anim na oras.

Facebook Comments