Manny Pacquiao, gusto ng rematch kay undefeated champion, Floyd Mayweather Jr.

90

Sports – Target ni eight-division world champion Manny Pacquiao na magkaroon ng rematch kay undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr.

Ito’y sakaling manalo siya kay Australian boxer Jeff Horn.

Sabi ng pambansang kamao, hindi niya tatanggihan ang pagkakataong makaharap muli sa loob ng ring ang American boxer.


Pero sa ngayon, naka-focus muna siya sa kanyang laban kay Horn na gaganapin na sa linggo (July 2) sa Brisbane, Australia.

Samantala, naniniwala naman si top rank CEO Bob Arum na malaki rin ang tiyansang mananalo si Horn sa tinaguriang “Battle of Brisbane”.

Facebook Comments