Manny Pacquiao, lilipat na ba ng Blackwater Elite?

PBA – Wala pang desisyon si Manny Pacquiao sa kanyang mga susunod na plano hinggil sa napabalitang pagkalas nito sa Kia Picanto.

Nag-expire na nitong nakaraang buwan ang kontrata ni Pacquiao sa team, dahilan upang matapos na rin ang kanyang stint bilang player ng koponan.

Ayon sa mga ulat, lilipat ang dating playing-coach ng Kia sa Blackwater Elites kung saan magkaibigan sila ng team owner na si Dioceldo Sy, na isa rin niyang supporter.


Nabatid na hindi naman ito itinatanggi ni Sy at sinabing hindi pa nawawala ang offer nito kay Pacquiao na sumali sa kanyang koponan.

Napag-alamang haharapin ng Kia ang koponan ng Star Hotshots sa kanilang final game sa Biyernes pero hindi naman malinaw kung pupunta dito si Pacquiao.

Facebook Comments