Manny Pacquiao, sasabak pa sa huling sparring session sa Brisbane bilang paghahanda sa laban kontra Jeff Horn

157

Brisbane, Australia – Matapos magpahinga ng isang araw, sumabak na muli si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa training kung saan nakatakda siyang magkaroon ng sparring session sa isang gym sa Brisbane, Australia.

Ayon kay Pacquiao, ginagawa niya ang lahat ng ito para masiguro ang panalo kontra sa mas batang Australian boxer na si Jeff Horn at muling maipagmalaki ang karangalan ng bansa.

Nabatid na ito na din ang huling taon sa kontrata ni Pacquiao sa top rank promotion kung saan hindi pa ito siguro kung magtutuloy siya sa ilalim ng pamamahala ni Bob Arum.


Maging ang manager ni Pacquiao sa top rank na si Mike Koncz ay hindi na din muna sinagot ang isyu hinggil sa kontra nito dahil nakatuon sila ngayon sa nalalapit na laban.

Nagdagdag naman ng karagdagang 5,000 tickets ang mga Australian organizers sa tinaguriang “Battle Of Brisbane” (Manny Pacquiao vs. Jeff Horn) na mapapanood na sa July 2 (Sunday).

Facebook Comments