MAPANATILING MALINIS | Vendors sa paligid ng Baywalk at Rizal Park mahigpit nang ipagbabawal

Manila, Philippines – Hindi na papayagan ang pagtitinda ng maliliit na vendors sa paligid ng Bay Walk at Rizal Park.

Ito ay para mapanatiling malinis at hindi makaabala sa mga motorista ang mga nagkalat na vendors sa mga lugar na kabilang sa tourist belt ng Maynila.

Ayon kay May Joseph Estrada – pinayagan niya noon ang mga sidewalk vendor sa paligid ng Bay Walk at Rizal Park dahil sa hiling at rekomendasyon ng Department of Social Welfare and Development pero hindi naman ito nagtagumpay.


Humingi naman ng paumanhin ang alkalde sa mga maaapektuhan at ipinangakong hahanapan ng magandang lugar para sila ay makapagtinda.

Facebook Comments