Mapayapang pag-oobserba ng Semana Santa dalangin ng PNP 12

23

Nakaalerto na ang buong hanay ng PNP Region 12 kasabay ng pag-oobserba ng Semana Santa.
Kaugnay nito patuloy na nagpaalala ang mga otoridad sa publiko na lalo pang maging mapagmatyag para maisiguro ang kaligtasan ng bawat isa ayon pa kay PNP 12 Spokesperson P/ Lt. Col Aldrin Gonzales sa panayam ng DXMY.
Inaasahan rin ang deployment o police visibility sa compound ng mga simbahan o pagdaraosan ng mga religious activities ng mga mananampalatayang katoliko.
Umaasa naman ang PNP 12 na magiging mapayapa at makabuluhan ang pag-oobserba ng Holy Week.

Facebook Comments