MARAMING SUGATAN | Pampasaherong bus naaksidente sa Bulacan

26 na pasahero ang sugatan matapos maaksidente ang pampasaherong bus sa padausdos na kalsada sa Barangay Minuyan, Sapang Palay, San Jose del Monte, Bulacan.
Duguan ang ulo at mukha ng mga pasahero matapos bumangga sa puno ang ordinary bus ng Mayami Trans na may byaheng Sapang Palay – Baclaran.
Sinabi ng isa sa mga pasahero na nagpaalam ang driver na ibabangga nito ang bus dahil nawalan ito ng preno
Inutusan ng driver ang mga pasahero na kumapit ng mahigpit bilang pag hahanda sa impact.
Bago bumangga iniwan ng 27 yrs old na driver ang manibela at kumapit na rin ng mahigpit
Hawak na ng mga pulis ang driver ng bus na nakilalang si Jovit Villegas

Facebook Comments