Marawi City, idineklarang malaya na ni Pangulong Duterte

Marawi City – Idineklara nang malaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Marawi City.

Ito ay kahit nagpapatuloy pa rin ang giyera sa siyudad na ngayon ay nasa 148 araw na ng bakbakan.

Kanina, natungo sa Marawi si Duterte kung saan siya mismo ang nagtaas ng watawat ng Pilipinas – simbolo ng pagiging malaya ng siyudad.


Sabi ng Pangulo, ang problema na lang niya ngayon ay ang mga sundalong nasugatan sa giyera.

Kahapon nang mapatay sa operasyon ng militar ang mga terrorist leader na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Patuloy pang tinutugis ng militar ang mga natitirang terorista sa marawi habang dalawampu’t dalawang bihag pa ang target na mailigtas.

Facebook Comments