Marawi City Mayor Majul Gandamra, nagpasalamat sa patuloy na pagdagsa ng tulong sa mga residente ng Marawi

Manila, Philippines – Nagpasalamat ngayon si Marawi City Mayor Majul Gandamra sa patuloy na pagdagsa ng tulong sa mga residente ng Marawi City.
Ayon kay Gandamra, naaprubahan na ang anim na bilyong pisong alokasyon mula sa dalawampung bilyong pisong pondo para sa initial rehabilitation project ng Marawi City.
Umaasa naman ang alkalde na matutuldukan rin ang gulo sa kanilang siyudad.

Hirap na hirap na ang kaniyang mga kababayan sa mga evacuation center.
Hindi man matiyak kung kailangan masusugpo ang mga teroristang grupo ay tiwala naman si Gandamra na ginagawa naman ang lahat para makamit ang kapayapaan sa Marawi City.

Facebook Comments