Marawi Mayor, nagulat sa pahayag ni Pangulong Duterte na talamak ang droga sa Marawi

Manila, Philippines – Nagulat si Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra sa isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na talamak ang paggamit ng shabu sa Marawi City.

Ayon kay Gandamra, posibleng totoo raw ang nasabing rebelasyon lalo pa’t hindi basta-basta maglalabas nang pahayag ang pangulo ng walang matibay na ebidensiya.

Pero, tumanggi naman ang alkalde na kumpirmahin ang nasabing rebelasyon ng pangulo.


Sa kabila tanggap naman ni Gandamra sa sinabi ng pangulo na pinopondohan ng mga pulitiko’t mga druglord ang mga teroristang grupong Maute sa Marawi.

Una nang iprinisenta ni Pangulong Duterte ang drug matrix ng mga financier ng Maute na kung saan kasama ang napatay na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog.

Facebook Comments