Maria Ozawa, bumanat sa mga basher nila ng kanyang actor-chef boyfriend

Manila, Philippines – Bumuwelta si Maria Ozawa sa mga basher nito dahil sa relasyon sa Pinoy actor-chef na si Jose Sarasola.

Ayon sa mga basher, hindi raw worth-it ang Japanese-Canadian actress kay Jose Sarsola at pinababalik pa siya ng mga ito sa Japan.

Hindi naman akalain ni Maria Ozawa na pag-uusapan nang husto ang relasyon nila.


Sagot naman ni Ozawa sa kanilang mga basher, wala na siyang pakialam dito dahil sa tinagal-tagal aniya ng kanyang pamamalagi sa showbiz industry, sanay na siya dito.

Sa ngayon ay mas pinakikingggan niya ang mga taong sumusuporta at nagmamahal sa kanila ng nobyo.

Matatandaang nagsimula ito nang mag-post sila ng larawan nilang dalawa sa kani-kanilang instagram accounts noong Valentine’s Day.
DZXL558

Facebook Comments