Maria Ozawa, nainis sa isang uber driver sa pag-invade ng kanyang privacy

Naglabas ng kanyang inis sa social media ang japanese sexy actress na si Maria Ozawa dahil sa isang unprofessional uber driver.
Kwento ng sexy actress, ipinamigay umano ng isang uber driver ang kanyang phone number sa iba na nagtext sa kanya at nagtatanong ng kanyang mga personal information.
Sa facebook ay ipinost pa niya ang nasabing mensahe ng texter.
Dismayado din si Ozawa dahil walang sumasagot sa hotline ng uber matapos niyang subukang tawagan para i-report ang insidente.
Hindi rin daw ito ang unang pagkakataon dahil maging sa grab ay kanya rin daw itong naranasan. Kaya makailang ulit na ring nagpalit ng number ang dating adult-film star.
Dagdag pa ni Ozawa na mahal niya ang Pilipinas pero bakit marami raw unprofessional dito.

Facebook Comments