Marian Rivera, inamin na hindi siya ang nagdedesisyon sa endorsement offers ng kaniyang anak

136

Bumubuhos ang endorsement offers sa pamilya ng celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Pati ang kanilang mga cute na cute na chikiting na sina Zia at Sixto ay suki na rin sa mga commercial dahil sa kanilang taglay na charm.


Ibinunyag naman ni Marian na kahit proud siya kay Zia sa pagiging natural nito sa harap ng camera, tinatanong muna niya ang kaniyang anak kung gusto niyang gawin ang isang project.

Say pa ng celebrity mom, mas maganda na may free will din ang kaniyang anak na sabihin ang gusto o ayaw niya lalo’t busy rin ito sa kaniyang pag-aaral.

Feeling blessed din aniya siya dahil kahit nagkaroon ng pandemya ay marami pa rin silang mga ginagawang commercial.

Facebook Comments