Marian Rivera, proud sa mag-ama nito na sina Dingdong Dantes at Baby Zia matapos maging cover photo ng isang magazine

Manila, Philippines – Proud mommy si Marian matapos na maging cover photo ng isang sikat na magazine ang kaniyang mag-ama para sa father’s day edition.

Ayon kay Marian, hot and debonair si Dong habang cute na cute na nakapose ang kanilang baby na lumalaking masayahin at bungisngis tulad niya.

Chika pa ng aktres, hindi mahirap na kunan si Z at game na game pa nga raw itong magpose sa kaniyang photoshoot kasama ang ama.


Nagpapasalamat din si Marian na lumalaking bibo at malusog si Zia dahil daw sa pagbre-breastfeed kahit 1 year and a half na ang anak.

Sa ngayon, busy si Marian sa kaniyang mga programa sa kapuso network pero palagi naman daw nitong inuuna ang pamilya sa tuwing mababakante ang oras.

DZXL558

Facebook Comments