Maricel Soriano magbabalik telebisyon sa kapamilya network

Magkakaroon ng bagong teleserye si Maricel Soriano sa Kapamilya network matapos ang mahigit isang taong pagpapahinga sa industriya.
Makakasama niya rito sina Angel Locsin, Janice de Belen, Eula Valdes, at Ryza Cenon.
Sinabi ng Diamond Star na excited na siyang bumalik dahil namiss niya ito.
Hindi naman daw siyang nahirapang kumbinsihin dahil madali naman daw siyang kausap.
Nagpasalamat din siya sa kanyang mga tagahanga sa walang sawa nilang pagsuporta.
Hindi pa pinapangalanan ang nasabing teleserye na ihahandog ng Dreamscape na nasa likod din ng ABS-CBN hit teleserye na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Facebook Comments