Mariel Padilla, itinanggi ang pagkaka-ugnay ng asawang si Robin Padilla kay Mocha Uson

79

Pinasinungalingan ng TV host/actress na si Mariel Rodriguez-Padilla ang pagkaka-link ng asawa nitong si Robin Padilla sa dating political blogger na si Mocha Uson.

Ito ay matapos kumalat ang balitang nabuntis umano ni Robin si Mocha kaya’t nabawasan ang public apperance nito.


Bagama’t aminadong na-alarma, tawa na lamang ang naging sagot ng aktres sa mga netizens na nagtatanong sa kanya.

Wala raw alam ang kanyang asawa tungkol sa isyu at iginiit na hindi ito totoo.

Nanawagan din si Mariel na kung maaari ay tigilan na ang kanilang pamilya lalo na ngayong nasa stage pa rin sila ng pagluluksa matapos mamatay ang isa sa kapatid ng aktor.

Facebook Comments