MARIJUANA JOKE | PNP, no comment sa joke ng Pangulo

Manila, Philippines – Walang komento ang Philippine National Police (PNP) sa birong pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na gumamit ito ng marijuana upang hindi madaling mapagod sa mga dinadaluhang mga events.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Benigno Durana hindi na kailangan pang magbigay ng pahayag ng PNP dahil mismong ang Pangulo na ang umaming nagbibiro lang sya.

Kaya sana ayon kay Durana masanay na ang publiko sa palabirong pangulo.


Dagdag pa ni Durana na ang PNP ay isang ahensya ng gobyerno na nagpapatupad lang ng batas kaya kung maisasabatas aniya panukalang gawing legal ang paggamit ng marijuana para panlunas sa karamdaman o for medical purposes ay susundin lamang nila ito.

Hihingian din aniya ng comment ang PNP sa isyu na mahalaga rin para maisabatas ang panukalang batas.

Facebook Comments