Marikina City Government, nakatanggap ng medical supplies mula sa DOH

Personal na tinanggap ni Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro ang medical supplies mula kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ngayong araw, August 7, 2020, sa Marikina City.

Sinaksihan ito ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang ginawang pag-abot ni Duque sa medical supplies matapos na makita nila at nakinig sa mga payo ni Mayor Teodoro tungkol sa paglaban nila sa COVID-19.

Paliwanag ni Mayor Teodoro, nakita mismo ng DOH at ng IATF kung papaano nilabanan ng Marikina City Government ang COVID-19 kaya’t tinagurian nila na ang Marikina ay best practices to fight COVID 19 kaya’t magsisilbi umano itong modelo sa iba pang mga Local Government Unit (LGU) na dapat nilang tuluran.


Facebook Comments