Marikina City PNP, nagsagawa ng simulation exercise bilang paghahanda ng anumang mangyayaring krimen sa lungsod

45

Nagsagawa ng simulation exercise ang Marikina City PNP bilang bahagi ng kanilang kahandaan sakaling magkaroon ng mga insidente ng kriminalidad sa kanilang lugar.

Ayon sa Marikina City PNP, nais nilang ipakita sa taumbayan ang pwersa ng pamahalaan at handang magbigay ng seguridad sa taumbayan kahit nasa pandemya ang bansa.


Sa nasabing simulation exercise, may insidente ng hold up robbery sa isang bangko sa lungsod at nauwi sa habulan ng mga suspek at mga pulis.

Hanggang sa humantong sa isang lugar na nauwi sa palitan ng putok.

Patay ang dalawang suspek habang naaresto ang dalawang iba pa.

Mabilis naman ang responde ng SWAT Team, Special Action force at Rescue ng Marikina City LGU.




Hinikayat ng mga awtoridad ang publiko na agad i-report sa kanilang tanggapan ang anumang kriminalidad sa lungsod at handang magbigay ng proteksyon o seguridad ang PNP.

Facebook Comments