Marikina River, patuloy na mino-monitor ng Marikina City Gov’t

40

Marikina River, patuloy na mino-monitor ng lokal na pamahalaan

Patuloy na binabantayan ng Marikina City Government ang galaw ng tubig sa ilog ng Marikina dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan na posibleng tumaas pa.

Ayon sa Public Information Office ng Marikina City, umakyat na sa 15.4 meters ang water level ng Marikina River alas-4:50 ng hapon kanina kung saan nasa unang alarma pa lamang kaya’t wala pang dapat ipangamba ang mga residente, pero dapat ay maging mapagmatyag sila sa daloy ng ilog at agad lumikas sakaling patuloy ang pagbuhos ng ulan at tumaas pa ang level nito.

Tiniyak naman ng Marikina City Government na nakahanda na ang kanilang mga Rescue Team 161.

Facebook Comments