Marinduque Rep. Lord Alan Velasco, pinayuhang magparaya na sa House Speakership

184

Pinayuhan ng isang political analyst si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na magparaya na sa Speakership race.

Ayon kay Political Analyst Ranjit Rye, walang sapat na kakayahan si Velasco kumpara sa ibang mga kandidato kaya makabubuting magparaya na lang ito sa mga senior at seasoned politicians na mas qualified sa posisyon.


Hindi naman kasi aniya pang “on-the-job training” ang House Speakership kaya dapat ay “watch, listen and learn” muna ito sa Kamara.

Dagdag pa ni Rye, ang paglutang ng mambabatas na maging House Speaker ay bunsod lamang ng pagkakaroon nito ng backer na malalaking negosyante.

Sinasabing suportado ni Business Tycoon Ramon ang pagtakbo ni Velasco sa House Speakership.

Una nang kinumpirma ng kapartido ni Velasco sa PDP-Laban na kapwa tumatakbo rin sa Speakership race na sina dating House Speaker Pantaleon Alvarez at Pampanga Rep. Dong Gonzales na may vote buying sa Kamara kung saan bawat boto ay tatapatan ng isa hanggang pitong milyon.

Facebook Comments

From Advertisers