Mas pinaiigting ng awtoridad ang kanilang pagpapatrolya sa katubigang sakop ng Pangasinan, maging sa mga karatig-bahagi, kasunod ng pagkakadiskubre ng bilyong halaga ng mga hinihinalang shabu sa lalawigan.
Ayon kay Coast Guard District Northwestern Luzon Commander, Capt. Mark Larsen Mariano, patuloy ang monitoring sa posible pang pagkakatagpo ng mga palutang-lutang na kontrabando sa bahagi.
Kinilala rin ng awtoridad ang katapatang ipinamalas ng mga mangingisda na mula sa mga bayan ng Bolinao, Agno at Bani, maging sa Ilocos Sur, sa agarang pagturn-over ng mga natagpuang hinihinalang shabu.
Samantala, naniniwala ang awtoridad na posibleng marami-rami pa umano na mga pakete at sako ng ipinagbabawal na droga ang maaaring mapadpad pa sa lalawigan o sa rehiyon, kaya hinikayat partikular ang mga residente sa coastal areas na maging mapagmasid sa mga kahina-hinalang bagay na makikita sa laot. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments